Friday, July 23, 2010

Kulit Mo. Kulit Ko. Ang Kulit Natin!

Nakakatuwa lang na everyday nababawasan ang stress ko sa work dahil sa isang tao na toh. Dati pag nasa work, puro trabaho, focus sa pagkuha ng calls, iidlip o kaya naman hikab ng hikab. Ngayon medyo okay lalo na kapag may kakulitan ka sa trabahao. Lalong bumibilis ang oras, nakakalimutan mo yung puyat at nalilibang ka. Maraming salamat SleepyHead sa araw-araw na pangungulit mo sa akin. Tuwing darating ako ikaw agad ang unang bumabati sa akin. Pag tahimik ako andyan ka para magpatawa at mang-asar. Andyan na bungguin mo ang upuan ko na sinasadya mo talagang gawin. Tapos magso-sorry at simula na yun ng kulitan. Andyan din yung tipong seryoso ako at lalapit ka sa station ko at magpapa-cute, tititigan mo ko hanggang ma-destruct ako sa mga calls ko. Kapag binabasa ko yung disclosure ng "forbearance", sasabayan mo ako para malito-lito ako. Andyan din na paglaruan mo yung hair ko, tapos papaamoy mo din yung sayo. Kapag tinutukso kita na bading naiinis ka. Ay pikon!:) Pati mga balloons na decoration ng ibang team pinagtitripan m. Ayun pinapanggulo mo sa akin. Habang nagca-calls ako pinapalipad mo talaga sa harap ng monitor para hindi ko makita yung information ng borrower. Yung napanalunan kong unan na parati mong bitbit pambulabog mo din sa akin kapag antok na ko. Kanina sinundan mo pa ako sa locker ko para paamoy mo lang yung unan na amoy pabango ng babae. Pasaway ka talaga! Okay lang naman. Minsan naman para kang bata magkikwento at magsusumbong ka sa akin. Ang kulit mo talaga. Dahil dyan mas nagiging less pressure sa office. Sana parati kang ganyan para masaya:) Isip bata ka pa talaga. Tampu-tampuhan ka pa kasi minsan. Tapos may mga pagkakataon naman na supladito at isnabero ka. Kaya lang kanina medyo nalungkot ako kasi sa loob ng tatlong linggo magkalapit tayo ng station tapos sa bagong seat plan sa kabilang bay ka na. Ang layo mo na. Malulungkot na ko kasi wala na kong kakulitan. Sana dalawin mo ko sa station ko ha pag break mo. Ikaw na nga lang napapagtanungan ko nalayo ka pa. Anu kaya mangyayari sa Monday? Sana mabago pa yung seat plan. :(

Wednesday, July 21, 2010

Ikaw Na Nga Ba Yan? Teka...Ang Gulo Mo?!

Mula ng nakaraang dalawang linggo, sobra talaga akong napaisip kung sino ka ba talaga. Kung kaw na ba talaga yang nakakausap at nakakasama ko. Parati ka kasing okay. May mga pagkakataon din na aaminin ko kinikilig ako sa mga hirit mo. Tao lang, mabilis ang takbo ng emosyon. Natutuwa ako sa araw-araw mong pangungulit. Wala ka ring tigil sa pagpapa-cute. Ngiti dito, ngiti doon. Bagay naman sayo, kahit anung ekspresyon sa mukha mo ayos pa din. Sa tuwing tumatabi ka sa akin para makinig sa pagca-calls ko super kabado ako. Kasi tititigan mo na naman ako. Matatawa ka kasi nagba-blush ako. Kaw naman pa-cute pa din. Ako naman hindi alam kung ano magiging reaksyon. Sa loob ng dalawang linggo ganyan ka sa akin. Kaya weekends na torete pa din ako. Infatuated na naman atah ako. Pero bakit pagpasok ng linggong ito parang lahat nagbago. Pati ikaw. Lunes palang parang ang tahimik mo na. Binati mo ako isang beses lang. Ni hindi ka nga nangulit. Ni hindi ka nagpapatawa. Isang beses mo lang ako pinuntahan para itanong kung bakit ang tahimik ko. Gusto ko nga din sana itanong sayo yun nahiya lang din ako. Parang bigla ka nagkaroon ng sariling mundo. Siguro dahil bumalik na sya? Tama ba ako? Kailangan magpakabait ka kundi lagot ka sa kanya. Nung una palang napansin sobrang magkalapit na kayo. Kaya hindi na din ako nagtaka. Inasahan ko na din yun. Bakit kailangan mo magbago? Okay na nga yung dati. Mas gusto na kita ng ganun. Tapos ang gulo mo, pagkalipas ng ilang araw ayan ka na naman. Close ka na naman sa akin. balik kulitan tayo. Pa-cute ulit. Hiniram mo pa yung mini-pillow na napanalunan ko. Alam ko naman parati kang antok kaya mas kailangan mo yan. Gift ko na yan sa birthday mo. Okay na naman tayo. Madalas pumupunta ka na ulit sa station ko. Kahapon, para ka na namang bata. Bad day ka kahapon kaya naman lumapit ka sa akin. Nagkwento ka ng nangyari sayo. Malungkot ka sabi mo. Hindi ko alam kung paano kkita ico-comfort. Kaya lang kitang payuhan ng positive words, gusto man kita i-hug kaso awkward di ba? Alam ko super na-down ka kahapon. Kanina naman pagpasok ko okay ka na ulit. Maaliwalas na ang mukha mo. Natuwa naman ako. Pumapangit ka kapag sumisibangot. Wag ka na gaganun ha? Lumapit ka din sa akin kanina at sabi mo "thank you". Hindi ko naman alam kung bakit sinabi mo yun. Sabi mo lang basta. Tapos nag-aya ka pa manuod ng movie. Syempre "drawing" na naman. Pansin ko minsan hanggang salita ka lang talaga. Kaya hindi ko ma-conclude na seryoso ka. Pag nagawa mo yun masasabi ko na talagang iba ka sa kanila. Ang gulo kasi ng personality mo. Minsan okay. Minsan makulit. Minsan tahimik. Minsan masungit. Minsan dedma. Minsan malambing. Ang hirap lumugar. Gusto pa sana kita makilala kung magandang pagkakataon lang. Pero pipilitin ko. Hindi muna ko susuko. May mga pagkakataon kasi na pag tayong dalawa lang sobrang iba ka. Hindi ko maipaliwanag at hindi ko alam ang term na gagamitin pero basta naramdaman ko iba ka. Pero pag madami ng tao, nag-iiba ka din. Ang kulit mo. Pero alam ko mabait at okay ka. Pakiramdam ko nga din torpe ka. Isa sa mga bagay na nagugustuhan ko sayo ay hindi ka tumitingin masyado sa panlabas na kaanyuan. Simple ka lang din. Hindi ka mayabang kahit alam mong may ibubuga ka. Humble ka pa din. Naks! Sana ganyan ka nalang parati. Sana mas makilala pa kita. Magkabaligtad talaga kayo ni Chuck. Sobrang opposite. Parang wala nga tayong common interests. Baligtad lahat ng gusto natin. Weird. Ayos lang mas okay nga yun eh. Tingnan natin kung sino ang makakapag-adjust. Basta SleepyHead gawin mo naman minsan yung sinasabi. Gusto kong maging inspiration kita ngayon. Sana lang may pag-asa. Bahala na. Abangan nalang natin kung may aabangan.:) Basta gumagaan lang yung pakiramdam ko sa work pag andyan ka. Salamat kahit hindi mo alam. Wag ka ng pasaway. Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo sa akin last week. Kailangan bumawi ka. Stiiing!:)

Friday, July 16, 2010

Substitute?

I can't stop thinking the fact that I maybe just one of his collection. I don't wanna be. I am living a very simple life and I don't deserve to be just one of his girls. I've got big respect for you and I hope it will stay that way. I don't wanna conclude that I am falling for you now cause it is too early to predict. Let's just say you're just indeed making me smile each day. Sometimes you need to get an inspiration for you to go on with your life, minus the difficulties. The way I see you is totally different when we are just together. I know you're different from the rest. I wanna be one of your closest friend. We may not have the same interests but I know how good you are. I know you have an eye for someone now so if that is true please stay with her. Focus on her. Unintentionally, I you're know making other girls blush but what if I'm one of them? I think I am not ready yet. So please be careful. I might hope cause I do easily fall. And once I fall, I had a hard time standing back again. Please no more substitutes. Be a good guy cause I know you are. The first time I saw you I know you have a kind heart. You're willing to open your life with someone. You are cool and friendly. Your smile makes everyone's day complete. And most of all, I know that you're simply indeed different. Well, prove that. Thank you for the inspiration SleepyHead.:)

Thursday, July 15, 2010

Stolen Kiss

I cannot describe the feeling kanina. Ewan ko ba. This was the very first time na a guy stoled a kiss from me. Good thing sa cheeks lang dahil kung hindi uupakan ko talaga yun. We were joking around kanina with SleepyHead. Tinutukso namin sya na bading. Ayun tatawa-tawa lang sya. Tapos biglang nagsabing papatunayan daw nya na hindi sya bading. Pag-upo ko bigla ba namang tumayo at niyakap ako para i-kiss sa cheeks. Pinigilan ko sya pero feeling ko na-kiss nya talaga ko. Sira-ulo talaga. Tumayo ako tapos sinabunutan ko sya. Nakakahiya madaming nakakita. Lagot ako nito mamayang gabi paniguradong tutuksuhin ako. Sabi ko low profile lang. Sinunod ko naman advice ni Tatay Brad. Eto nangyari. Nung una palang ang kulit na nya. Pa-cute sya ng pa-cute. Ako naman sabi ko sa kanya hindi ko na sya susungitan. Bahala na nga. Hindi ko din alam kung anu mararamdaman ko. Kilig. Hiya. Super blush. Gulat. Whatever! SleepyHead is really making me go gaga!:) Pasaway. Hmmm...

Wednesday, July 14, 2010

Music and Lyrics

I had a great day today. There were so many things I never expected that happened. Well, this really giving me butterflies in the stomach. Promise. And I can't get over it. We are getting along well each day. That was a good sign. Thanks SleepyHead. It was our lunch and since it was raining so hard all stores were closed. The only safe thing to do is to stay at the office specifically at the sofa, sitting around and reading newspapers. Until he came. He got his Ipod and we both listened to the music. Pure rock and alternative. Cool. Of course we shared one headset. We talked. he showed me some of his pictures and sing. Oh! Do I forgot to mention that he asked me on a date? I don't know if that was serious so I refused. If he's serious he will asked that again. Let's see. I just really don't know why I need to put all this things into details. Maybe I was just trying to preserved the good moments. Nevertheless, I'm cool and happy!:)

Monday, July 12, 2010

Butterflies in the Stomach Part II

Kilig mode. At eto na naman hindi ko ma-define. SleepyHead is makin' me feel so crazy and happy. New inspiration I guess. Wala lang. He gave me reason to do my everyday tasks. Mukhang infatuated ako. As usual, kinikilig lalao na pag kasama mo yung tao. May thrill na naman kasi it is again another beginning of cool intimate moments. Two weeks I've met him and I felt like we are getting along well. He was different with Chuck. Totally opposite. He's kinda mysterious and quiet-reserved sometimes pero childish. Kanina parang super close na namin. And there were instances na he's trying to get close to me. Weh, di nga! Ahahaha..I know this is early to predict pero crush lang naman eh. Walang masama, sort of inspiration. Kaso mukhang bolero at babaero. Okay lang hanggang kilg muna. Nakakatakot pa naman magmahal ng ganitong guy. Baka ipagpalit ka lang bigla. Basta chill muna.:) Ang alam ko lang parati akong naka-smile ngayon. Super energetic and back to being pa-girl. One of the boys kaya ako pag pumorma pero ngayon 'girlie" na naman. Ang funny ko. I am trying to switch personalities. Let's see kung anu next episode.:)

Sunday, July 11, 2010

Match.com

This is so cool. Wala kasi akong magawa kaya I decided na mag-sign up sa match.com. Well, a site wherein you can find the person that will match your interests. I don't really rely on this. Jusy for the sake of having some sort of "libangan". Pero hindi ako nagsasalita ng tapos, malay mo dito ko mahanap yung Prince Charming ko. Syempre hindi naman gagawin yung site na toh if this is not proven effective. Defensive? Hmmm..kanina, I started posting down my likes, interests and qualifications. Ang funny kasi may five matches agad kaso wala naman akong nagustuhan sa kanila. Am I getting mean? Ooopss! Sorry. Naisipan ko lang talaga. I am not that frustrated naman to have someone na in my life, like a partner now. Naniniwala pa din ako sa "perfect timing". Bahala na nga. Basta I'll try to check the result matches everyday. :)

Friday, July 9, 2010

SleepyHead!:)

It has been a week I was trying to cope up with my work, new schedule, new circle of friends and a brand new team. My Chuck's dilemma is finally over. It has been how many weeks I was so lost and hopeless. But now I can say I am back. Yeah, I am back for good. Goodbye depression. Goodbye sad thoughts. No more hopeless case. It is a good thing I 've got my weekends so busy that I was able to find all the answer that has been bothering me. Now, it is a brand new day. I promised to myself that I am going to start my week right. And I did it. So proud of myself. No more Chuck-problems. I am now trying my best to concentrate at my work. Diversion, should I say. The new environment I am into right now helps me to go on with my life. There were still times I've been struggling so badly but then life is still a learning experience so I should not complain. They say the only time you can be good as back to normal is when you meet new faces. That was so true. I've met this person for just a week and I felt like I always had a pretty smile on my face. Wow! I am not yet ready for a new inspiration. :) But it is okay, as long as I enjoy what I am doing and what I am feeling, that's what is important. For now on, let me call the person "SleepyHead". I don't know why this name popped out of my mind. I hope we can get along well. :)

Wednesday, July 7, 2010

Sakto Eh!

"You shouldn't regret anything that you say,
because it's what you were feeling at the moment. "

-Lee Sobieski

*wow! may kakampi pala ako sa ginawa ko before. nice to hear. wala namang regrets eh!:)*

Monday, July 5, 2010

Aloha!

First time kong magsusuot ng Hawaiian costume later. Ako pa naman ang tipo ng taong tamad talaga mag-effort pagdating sa ganito. Ayoko kasi magsusuot ng damit na hindi talaga ako comfortable. Tapos mamaya mag-grass skirt ako at pink top na may mga bulaklak pa sa ulo at braso. Kulang nalang sumayaw ako. Eto talaga weakness ko eh. Ayoko ng mga ganitong klase ng event. Since first day kong ma-endorse sa work pinilit ko maghanap ng costume. Ayun, natagpuan ko ang lahat sa Divisoria. Hindi ako ganun ka-excited. Sana bagay sa akin yung naka-Hawaiian attire. Sa bagay something new din ito. Mamaya mami-meet ko na din formally ang bago kong team. Maging okay sana kami. Ayun.

Sunday, July 4, 2010

Magulong Pakiramdam!

Ang lahat talaga nagiging weird pag may nagugustuhan kang isang tao. Katulad nalang ng experience ko kahapon. Kasama ko ang taong gusto ko sa isang okasyon. Dahil alam nya na gusto ko sya awkward ang pakiramdam ko talaga. Yung tipong anu bang dapat kong isuot, maayos ba ang buhok ko at anu bang sasabihin ko pag nakita ko sya. Grabe. Kulang nalang mag-tumbling ako sa nerbyos. Samantalang yung taong yun halos araw-araw ko namang nakakasama tapos maiilang pa ko. Ang kulit ko talaga. Pagdating sa okasyon, tahimik lang ako. Binati lahat ng taong andun kabilang na sya. Umupo sa isang tabi na malayo sa kanya at nagpanggap na abala sa pagtetext. Kahit isang lingap hindi ko magawa kasi natatakot ako baka mahuli nya ko. Inalok nya akong kumain hanggang umupo sya sa tabi ko. Usap ng kaunti. Pero syempre chill lang ako para hindi obvious na kabada talaga. Ang tagal kasi namin hindi nagkita mula ng gawin ko ang bagay na un. Ang pagtatapat. Nagsimula din akong kumain. At pinilit pa din maging abala sa pagtetext ng kahit sinu. Kunwari may katext na mahalagang tao. Hanggang hindi nagtagl lumipat ako ng upuan at tumabi sa kaibigan kong babae. Nakipagkwentuhan. Nakipagtawanan. Tumulong sa paglalatag ng business namin. Nag-share. Hanggang mapansin ko na nasa likod ko ulit sya. Nakikinig din pala. Tensyonado na naman kaya balik sa pagiging tahimik. Sinimulan ang plano. May nagsasalita sa harap at nagpapaliwanag ng ukol sa negosyo habang ako ay nakatayo sa may tabi ng pinto. Ayun din sya katabi nakaakbay pa sa akin. Normal na nyang ginagawa yun. Ang umakbay. Dedma lang ako. Wala namang malisya. Hanggang mapansin ko na ang lahat ay bumabalik na pala sa dati. Kung gaano kami ka-close dati ganun ulit kami ngaun. Kumbaga, wala naman pala talagang nagbago sa amin. Umpisa palang ng araw sinabi ko sa sarili ko iiwas muna ko pero hindi ko nagawa. Madalas pa din kaming nagkakalapit at ginagawa yung mga bagay na nakasanayan na. Siguro nga dati medyo naging exaggerated ako mag-isip. Hindi ko lang naiwasan. Naaalala ko bigla nung bago ako pumunta sa mismong venue umattend muna ako ng service sa Victory at muling nagdasal kay GOD ukol sa sitwasyong ito. Pinagdasal ko na sana may mangyaring maganda sa araw na yun para sa aming dalawa. Ang lakas ko talaga kay GOD, tinupad nya ulit. Naging maganda ang araw na yun para sa akin dahil na-realize ko na despite sa ginawa kong pagtatapat sa kanya nanatili pa din sya na kaibigan. Isang mabuting kaibigan. Hindi man nya masuklian ng higit pa dun sa inaasahan ko pinahalagahan pa din nya ang aming pagkakaibigan. Hindi pa din ako nawalan. Sa loob ng ilang araw na hindi kami nagkita lahat ng negatibo na pwede mangyari naisip ko. Pero kahapon ang lahat ay naging maganda at makabuluhan. Kami pa din ang magkaibigan na andyan para sa isa't-isa. Naramdaman ko na sincere sya sa pinakita nya sa akin. Sa una nagkailangan kasi hindi maiiwasan pero sa huli ganun pa din kami. Makulit. Sobrang na-miss ko yung mga moments na ganun. Magkaakbay habang nagkekwentuhan. Nagse-share ng mga pangarap. Ang mga mannerisms namin na parating naka-pamaywang. Ang saya talaga. Hindi na sya kilig kasi unti-unti ko na namang natatanggap na hanggang dito lang talaga kami. Okey na ko. Wala ng reklamo. Napakabuti nyang tao at swerte na ko na nakilala ko sya. Sana habambuhay na kaming ganito. :)

Saturday, July 3, 2010

Broken but Beautiful

After 15 days, he broke the silence. I thought it will never gonna happen after how many days of waiting. I finally conclude that something has really changed. Napansin ko yun kagabi. Alam kong sa akin may nagbago ganun din sa kanya. Ganun siguro talaga. I can't blame the situation. More than anything else I am happy na-retain pa din ang friendship. Maya ilangan na. But I know we can get rid of this pag nagtagal. Alam kong babalik din kami sa dati sa tamang oras at panahon. Okey na siguro ako ng ganito muna. Nakakatawa na hindi ko pinakinggan ang mga payo sa akin ng mga kaibigan ko. Sila na may mga karanasan na sa ganitong bagay. Matigas talaga ang ulo ko. Pero minsan kailangan I need to do this thing for me to learn and experience it on my own. Yeah, truth hurts. Wala namang bagay na madali eh. Lahat naman tayo nag-struggle. Ito talaga ang realidad ng buhay. Usapang puso palang toh. Paanu na kung dumating ang mabibigat na problema ko, dapat handa na ko.

Last night, when I saw him. I don't know what my reaction will be. I did greeted him. But not like before. It feels so weird that I too change. Maybe for the better cause if I stay close to him I know it will be hard for me to move on. Buti nalang kahit paano may diversion ako. I am trying to control my feelings. I wanted to talk to him like what we used to do pero kagabi I did a good job. Medyo masakit gawin on my part pero this is for the best. Until he was the one who approached me. Inakbayan nya ako at kinamusta. Hindi ko alam kung ginawa nya yun para ma-feel ko that he was not avoiding me. Whatever the reason, I don't wanna know anymore. The whole night we were both silent. The whole night I was just trying to glanced at him hoping that everything will be back to normal, yung parang nung dati na hindi ko pa sinasabi yung nararamdaman ko sa kanya. Ganito pala talaga yung pakiramdam. Unexplainable. I am no longer confused cause I get everything I wanna know. Alam kong nahalata nya din na medyo awkward ako. Kasi ba naman 15 days ang lumipas, he doesn't even replied to my messages. He was not like that before kaya kitang-kita ko na nag-iba na talaga ang lahat. I just need to accept the fact that he just thought of me as a friend. And I thought of him as more than a friend. Ouch! Later magkakasama na naman kami. I am wishing that everything will be fine. For the sake of friendship.:(

GFI: My Second Family

Sa tagal ko na sa GFI, kagabi parang naramdaman ko talaga kung anu yung worth ko sa business na toh. Oo nga sumali ako dati kasi narinig ko lang na magandang "business" daw. Sinu ba naman ang ayaw kumita ng pera. Halos lahat naman tayo. Pero kagabi, higit pa dun ang naramdaman ko. Mas sobra pa sa pagkita ng pera. Ang na-realize ko sa pagdaan ng dalawang taon na naging parte ako ng business na toh nagakaroon na din pala ako ng pangalawang pamilya. Minsan nga mas madalas ko pa sila kasama kesa sa tunay kong pamilya. Akala ko nung una puro pag-iinvite, pagbibilog-bilog at paglalatag lang ang matututuhan ko dito, Pero hindi pala, matututuhan ko pala talaga dito ang tunay na value ng isang pamilya.

Kagabi naging makabuluhan ang meeting namin. Sa unang pagkakataon ang lahat ay nagpakatotoo sa kanilang mga tunay na nararamdaman. Naayos ang anumang sigalot at hindi pagkakaintindihan. Nakapaglabas ng emosyon at saloobin na sabihin na nating matagal nang itinago. Pero ang higit sa lahat, ang magkakahiwalay ay muling pinag-isa. Masaya nung makita at masaksihan ko ito kagabi. Ngayon ko mas naintindihan ang parte at silbi ko bilang isang lider. Hindi sapat na parati ka lang pumupunta sa opisina at uma-attend ng mga training. Ang pinakamahalaa sa lahat ay yung mhalaman mo kung ano ang kaya mong gawin para matulungan mong matupad ang pangarap ng mga taong nakapaligid sayo. Wala ako ngayong karapatang magreklamo at mawalan ng lakas ng loob dahil alam kong madaming naniniwalang kaya kong baguhin ang buhay nila. Lalo akong walang karapatang mag-quit dahil maraming tao na nakapaligid sa akin na handa akong tulungan. Pamilya, yan ang turing ko sa kanila. Hindi na sila iba sa akin. Maaasahan mo kahit anung oras. Ngayon ko din na-realize na sobrang swerte ko at nakilala ko sila.

Mula ngayon, papanindigan ko kung anu ang sinimulan ko. Hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko. Lahat naman ng ito ginagawa ko para sa kanila. Gusto ko silang bigyan ng magandang buhay. Gusto kong iparamdam sa mga magulang ko na kaya kong suklian ang mga hirap na dinanas nila nung pinapalaki palang nila ako. Ngayong alam ko na ang direksyon ko sa buhay, mas lalo ako dapat magpursigi sa business na toh. Andito na lahat ng kailangan ko. Ako nalang ang kulang. Kaya mula ngayon, magsisikap ako para patuloy na gumanda ang kinabukasan ko. Alam kong parating anjan si LORD para gabayan ako. Maraming salamat sa lahat.:)