
Ang lahat talaga nagiging weird pag may nagugustuhan kang isang tao. Katulad nalang ng experience ko kahapon. Kasama ko ang taong gusto ko sa isang okasyon. Dahil alam nya na gusto ko sya awkward ang pakiramdam ko talaga. Yung tipong anu bang dapat kong isuot, maayos ba ang buhok ko at anu bang sasabihin ko pag nakita ko sya. Grabe. Kulang nalang mag-tumbling ako sa nerbyos. Samantalang yung taong yun halos araw-araw ko namang nakakasama tapos maiilang pa ko. Ang kulit ko talaga. Pagdating sa okasyon, tahimik lang ako. Binati lahat ng taong andun kabilang na sya. Umupo sa isang tabi na malayo sa kanya at nagpanggap na abala sa pagtetext. Kahit isang lingap hindi ko magawa kasi natatakot ako baka mahuli nya ko. Inalok nya akong kumain hanggang umupo sya sa tabi ko. Usap ng kaunti. Pero syempre chill lang ako para hindi obvious na kabada talaga. Ang tagal kasi namin hindi nagkita mula ng gawin ko ang bagay na un. Ang pagtatapat. Nagsimula din akong kumain. At pinilit pa din maging abala sa pagtetext ng kahit sinu. Kunwari may katext na mahalagang tao. Hanggang hindi nagtagl lumipat ako ng upuan at tumabi sa kaibigan kong babae. Nakipagkwentuhan. Nakipagtawanan. Tumulong sa paglalatag ng business namin. Nag-share. Hanggang mapansin ko na nasa likod ko ulit sya. Nakikinig din pala. Tensyonado na naman kaya balik sa pagiging tahimik. Sinimulan ang plano. May nagsasalita sa harap at nagpapaliwanag ng ukol sa negosyo habang ako ay nakatayo sa may tabi ng pinto. Ayun din sya katabi nakaakbay pa sa akin. Normal na nyang ginagawa yun. Ang umakbay. Dedma lang ako. Wala namang malisya. Hanggang mapansin ko na ang lahat ay bumabalik na pala sa dati. Kung gaano kami ka-close dati ganun ulit kami ngaun. Kumbaga, wala naman pala talagang nagbago sa amin. Umpisa palang ng araw sinabi ko sa sarili ko iiwas muna ko pero hindi ko nagawa. Madalas pa din kaming nagkakalapit at ginagawa yung mga bagay na nakasanayan na. Siguro nga dati medyo naging exaggerated ako mag-isip. Hindi ko lang naiwasan. Naaalala ko bigla nung bago ako pumunta sa mismong venue umattend muna ako ng service sa Victory at muling nagdasal kay GOD ukol sa sitwasyong ito. Pinagdasal ko na sana may mangyaring maganda sa araw na yun para sa aming dalawa. Ang lakas ko talaga kay GOD, tinupad nya ulit. Naging maganda ang araw na yun para sa akin dahil na-realize ko na despite sa ginawa kong pagtatapat sa kanya nanatili pa din sya na kaibigan. Isang mabuting kaibigan. Hindi man nya masuklian ng higit pa dun sa inaasahan ko pinahalagahan pa din nya ang aming pagkakaibigan. Hindi pa din ako nawalan. Sa loob ng ilang araw na hindi kami nagkita lahat ng negatibo na pwede mangyari naisip ko. Pero kahapon ang lahat ay naging maganda at makabuluhan. Kami pa din ang magkaibigan na andyan para sa isa't-isa. Naramdaman ko na sincere sya sa pinakita nya sa akin. Sa una nagkailangan kasi hindi maiiwasan pero sa huli ganun pa din kami. Makulit. Sobrang na-miss ko yung mga moments na ganun. Magkaakbay habang nagkekwentuhan. Nagse-share ng mga pangarap. Ang mga mannerisms namin na parating naka-pamaywang. Ang saya talaga. Hindi na sya kilig kasi unti-unti ko na namang natatanggap na hanggang dito lang talaga kami. Okey na ko. Wala ng reklamo. Napakabuti nyang tao at swerte na ko na nakilala ko sya. Sana habambuhay na kaming ganito. :)
No comments:
Post a Comment