Friday, July 23, 2010

Kulit Mo. Kulit Ko. Ang Kulit Natin!

Nakakatuwa lang na everyday nababawasan ang stress ko sa work dahil sa isang tao na toh. Dati pag nasa work, puro trabaho, focus sa pagkuha ng calls, iidlip o kaya naman hikab ng hikab. Ngayon medyo okay lalo na kapag may kakulitan ka sa trabahao. Lalong bumibilis ang oras, nakakalimutan mo yung puyat at nalilibang ka. Maraming salamat SleepyHead sa araw-araw na pangungulit mo sa akin. Tuwing darating ako ikaw agad ang unang bumabati sa akin. Pag tahimik ako andyan ka para magpatawa at mang-asar. Andyan na bungguin mo ang upuan ko na sinasadya mo talagang gawin. Tapos magso-sorry at simula na yun ng kulitan. Andyan din yung tipong seryoso ako at lalapit ka sa station ko at magpapa-cute, tititigan mo ko hanggang ma-destruct ako sa mga calls ko. Kapag binabasa ko yung disclosure ng "forbearance", sasabayan mo ako para malito-lito ako. Andyan din na paglaruan mo yung hair ko, tapos papaamoy mo din yung sayo. Kapag tinutukso kita na bading naiinis ka. Ay pikon!:) Pati mga balloons na decoration ng ibang team pinagtitripan m. Ayun pinapanggulo mo sa akin. Habang nagca-calls ako pinapalipad mo talaga sa harap ng monitor para hindi ko makita yung information ng borrower. Yung napanalunan kong unan na parati mong bitbit pambulabog mo din sa akin kapag antok na ko. Kanina sinundan mo pa ako sa locker ko para paamoy mo lang yung unan na amoy pabango ng babae. Pasaway ka talaga! Okay lang naman. Minsan naman para kang bata magkikwento at magsusumbong ka sa akin. Ang kulit mo talaga. Dahil dyan mas nagiging less pressure sa office. Sana parati kang ganyan para masaya:) Isip bata ka pa talaga. Tampu-tampuhan ka pa kasi minsan. Tapos may mga pagkakataon naman na supladito at isnabero ka. Kaya lang kanina medyo nalungkot ako kasi sa loob ng tatlong linggo magkalapit tayo ng station tapos sa bagong seat plan sa kabilang bay ka na. Ang layo mo na. Malulungkot na ko kasi wala na kong kakulitan. Sana dalawin mo ko sa station ko ha pag break mo. Ikaw na nga lang napapagtanungan ko nalayo ka pa. Anu kaya mangyayari sa Monday? Sana mabago pa yung seat plan. :(

No comments:

Post a Comment