Wednesday, July 21, 2010

Ikaw Na Nga Ba Yan? Teka...Ang Gulo Mo?!

Mula ng nakaraang dalawang linggo, sobra talaga akong napaisip kung sino ka ba talaga. Kung kaw na ba talaga yang nakakausap at nakakasama ko. Parati ka kasing okay. May mga pagkakataon din na aaminin ko kinikilig ako sa mga hirit mo. Tao lang, mabilis ang takbo ng emosyon. Natutuwa ako sa araw-araw mong pangungulit. Wala ka ring tigil sa pagpapa-cute. Ngiti dito, ngiti doon. Bagay naman sayo, kahit anung ekspresyon sa mukha mo ayos pa din. Sa tuwing tumatabi ka sa akin para makinig sa pagca-calls ko super kabado ako. Kasi tititigan mo na naman ako. Matatawa ka kasi nagba-blush ako. Kaw naman pa-cute pa din. Ako naman hindi alam kung ano magiging reaksyon. Sa loob ng dalawang linggo ganyan ka sa akin. Kaya weekends na torete pa din ako. Infatuated na naman atah ako. Pero bakit pagpasok ng linggong ito parang lahat nagbago. Pati ikaw. Lunes palang parang ang tahimik mo na. Binati mo ako isang beses lang. Ni hindi ka nga nangulit. Ni hindi ka nagpapatawa. Isang beses mo lang ako pinuntahan para itanong kung bakit ang tahimik ko. Gusto ko nga din sana itanong sayo yun nahiya lang din ako. Parang bigla ka nagkaroon ng sariling mundo. Siguro dahil bumalik na sya? Tama ba ako? Kailangan magpakabait ka kundi lagot ka sa kanya. Nung una palang napansin sobrang magkalapit na kayo. Kaya hindi na din ako nagtaka. Inasahan ko na din yun. Bakit kailangan mo magbago? Okay na nga yung dati. Mas gusto na kita ng ganun. Tapos ang gulo mo, pagkalipas ng ilang araw ayan ka na naman. Close ka na naman sa akin. balik kulitan tayo. Pa-cute ulit. Hiniram mo pa yung mini-pillow na napanalunan ko. Alam ko naman parati kang antok kaya mas kailangan mo yan. Gift ko na yan sa birthday mo. Okay na naman tayo. Madalas pumupunta ka na ulit sa station ko. Kahapon, para ka na namang bata. Bad day ka kahapon kaya naman lumapit ka sa akin. Nagkwento ka ng nangyari sayo. Malungkot ka sabi mo. Hindi ko alam kung paano kkita ico-comfort. Kaya lang kitang payuhan ng positive words, gusto man kita i-hug kaso awkward di ba? Alam ko super na-down ka kahapon. Kanina naman pagpasok ko okay ka na ulit. Maaliwalas na ang mukha mo. Natuwa naman ako. Pumapangit ka kapag sumisibangot. Wag ka na gaganun ha? Lumapit ka din sa akin kanina at sabi mo "thank you". Hindi ko naman alam kung bakit sinabi mo yun. Sabi mo lang basta. Tapos nag-aya ka pa manuod ng movie. Syempre "drawing" na naman. Pansin ko minsan hanggang salita ka lang talaga. Kaya hindi ko ma-conclude na seryoso ka. Pag nagawa mo yun masasabi ko na talagang iba ka sa kanila. Ang gulo kasi ng personality mo. Minsan okay. Minsan makulit. Minsan tahimik. Minsan masungit. Minsan dedma. Minsan malambing. Ang hirap lumugar. Gusto pa sana kita makilala kung magandang pagkakataon lang. Pero pipilitin ko. Hindi muna ko susuko. May mga pagkakataon kasi na pag tayong dalawa lang sobrang iba ka. Hindi ko maipaliwanag at hindi ko alam ang term na gagamitin pero basta naramdaman ko iba ka. Pero pag madami ng tao, nag-iiba ka din. Ang kulit mo. Pero alam ko mabait at okay ka. Pakiramdam ko nga din torpe ka. Isa sa mga bagay na nagugustuhan ko sayo ay hindi ka tumitingin masyado sa panlabas na kaanyuan. Simple ka lang din. Hindi ka mayabang kahit alam mong may ibubuga ka. Humble ka pa din. Naks! Sana ganyan ka nalang parati. Sana mas makilala pa kita. Magkabaligtad talaga kayo ni Chuck. Sobrang opposite. Parang wala nga tayong common interests. Baligtad lahat ng gusto natin. Weird. Ayos lang mas okay nga yun eh. Tingnan natin kung sino ang makakapag-adjust. Basta SleepyHead gawin mo naman minsan yung sinasabi. Gusto kong maging inspiration kita ngayon. Sana lang may pag-asa. Bahala na. Abangan nalang natin kung may aabangan.:) Basta gumagaan lang yung pakiramdam ko sa work pag andyan ka. Salamat kahit hindi mo alam. Wag ka ng pasaway. Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo sa akin last week. Kailangan bumawi ka. Stiiing!:)

No comments:

Post a Comment