Sa tagal ko na sa GFI, kagabi parang naramdaman ko talaga kung anu yung worth ko sa business na toh. Oo nga sumali ako dati kasi narinig ko lang na magandang "business" daw. Sinu ba naman ang ayaw kumita ng pera. Halos lahat naman tayo. Pero kagabi, higit pa dun ang naramdaman ko. Mas sobra pa sa pagkita ng pera. Ang na-realize ko sa pagdaan ng dalawang taon na naging parte ako ng business na toh nagakaroon na din pala ako ng pangalawang pamilya. Minsan nga mas madalas ko pa sila kasama kesa sa tunay kong pamilya. Akala ko nung una puro pag-iinvite, pagbibilog-bilog at paglalatag lang ang matututuhan ko dito, Pero hindi pala, matututuhan ko pala talaga dito ang tunay na value ng isang pamilya.
Kagabi naging makabuluhan ang meeting namin. Sa unang pagkakataon ang lahat ay nagpakatotoo sa kanilang mga tunay na nararamdaman. Naayos ang anumang sigalot at hindi pagkakaintindihan. Nakapaglabas ng emosyon at saloobin na sabihin na nating matagal nang itinago. Pero ang higit sa lahat, ang magkakahiwalay ay muling pinag-isa. Masaya nung makita at masaksihan ko ito kagabi. Ngayon ko mas naintindihan ang parte at silbi ko bilang isang lider. Hindi sapat na parati ka lang pumupunta sa opisina at uma-attend ng mga training. Ang pinakamahalaa sa lahat ay yung mhalaman mo kung ano ang kaya mong gawin para matulungan mong matupad ang pangarap ng mga taong nakapaligid sayo. Wala ako ngayong karapatang magreklamo at mawalan ng lakas ng loob dahil alam kong madaming naniniwalang kaya kong baguhin ang buhay nila. Lalo akong walang karapatang mag-quit dahil maraming tao na nakapaligid sa akin na handa akong tulungan. Pamilya, yan ang turing ko sa kanila. Hindi na sila iba sa akin. Maaasahan mo kahit anung oras. Ngayon ko din na-realize na sobrang swerte ko at nakilala ko sila.
Mula ngayon, papanindigan ko kung anu ang sinimulan ko. Hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko. Lahat naman ng ito ginagawa ko para sa kanila. Gusto ko silang bigyan ng magandang buhay. Gusto kong iparamdam sa mga magulang ko na kaya kong suklian ang mga hirap na dinanas nila nung pinapalaki palang nila ako. Ngayong alam ko na ang direksyon ko sa buhay, mas lalo ako dapat magpursigi sa business na toh. Andito na lahat ng kailangan ko. Ako nalang ang kulang. Kaya mula ngayon, magsisikap ako para patuloy na gumanda ang kinabukasan ko. Alam kong parating anjan si LORD para gabayan ako. Maraming salamat sa lahat.:)
No comments:
Post a Comment