"Love life and life will love you back. Love people and they will love you back."
Thursday, May 8, 2014
Hello Dubai!
Dati sabi ko hindi ako magwo-work sa ibang bansa. If pupunta man ako that is because I simply would like to travel. Pero hindi ganun ang nangyari, I went here to work. Better opportunities, good compensation and aiming for an improve life. Well, here I am. I live in Al Khail, one of the good place here in Dubai. I am with my cousin. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanya kasi without her effort fixing my papers, I may not be here. It's been my two weeks now. Naaalala ko palang, April 26, 2014, that was my flight details. Mixed emotions. Hindi ko talaga ma-describe ang feeling. Sadness will always gonna be there. The night before my flight, I slept with my Mama and Papa. And now, I am missing them so much. Hirap pala ng mawalay. Were like thousand miles away. Thanks to FB and my cellphone dahil kahit paano may communication kami. Pero iba pa din syempre pag kasama mo cla. :( Sobrang na-touch din ako sa ginawa ng mga friends ko and even my supervisors. They went to my place early in the mornng which was exactly the same day of my flight para mag-bonding kami for the last time. After their shift kahit walang tulog, bumyahe sila papuntang Bulacan. Ang layo kaya. Last breakfast namin yun. Pati si Sup Demi at Sup Anne nagpunta din. Nakakataba ng puso ang effort nila. Malalamanmo talaga sa ganitong pagkakataon ang mga taong tinuringkang tunay na kaibigan. Kaya naman nagpapasalamat din ako andyan sila para sa akin. Kumpleto ang barkada. Hindi ko talaga makalimutan yun. Sila Mama at Papa syempre hirap din ang kalooban pero kailanganko magpakatatag para sa kanila. Ang paalaamanan na part talaga ang pinakamahirap. Buti nalang I'm strong. Hanggang sa airport hinatid nila ako. Wehad lunch at Wendy's, took pictures and more kwentuhan. Till the time na magbo-board na ko. Andun pa din sila. Ang hirap ng time na yun. Parang ayoko ng umalis. Nakangiti lang ako pero ang totoo gusto ko ng umiyak. Lalona nung kailangan ko din magpaalam sa kanila. Isa-isa ko silang ni-hug at bineso. Grabe. Hindi ko talaga ma-explain pakiramdam ko that time. Worst feeling ever. Then nag-board na kami. Baggage check and immigration process, lahat naging okay. Sign talaga n ituloy ko lahat ito. Hanggang nakasakayna ko sa eroplane. 40F ang seat ko, malayo kina ate pero okay lang komportable naman ako. 9 hours ang travel, kinaya ko. Idlip, kain at magbasa ng book ang ginawa ko. Hanggang hindi ko namalayan na nasa Dubai na ako. Ate Bhelle picked us up. Papunta sa house nila, I saw Burj Khalifa. It was beautiful. I am impressed on how it was done. Then sa mha sumunod na araw, more on Skype lang. Kahit paano nababawasan pagka-miss ko sa kanila. Now, I'm busy with my new work. Hopefully magtuloy-tuloy na. I am going take care whatever I have right now to make my stay here worth it.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment