
Ngayon ay Friday. Ang bonding day namin ni Aldrin kay GOD. I mean "Papa GOD" kung tawagin niya. Sobrang thankful ako kasi si Aldrin ang nagbigay ng idea sa akin regarding youth service. isa sya sa mga closest friend ko ngayon. Sinama nya ko isang beses hanggang naging consistent na yun every Friday. Parati namin napapag-uusapan na every Friday we will dedicate our time with GOD. The Victory Church located at Robinson's Galleria has became a big part of our life. Madalas kami pumunta dun ni Aldrin. Ang saya kasi they will help you get closer kay Papa GOD. Minsan nga bitin pa yung service. Nagustuhan ko pa dun yung mga kanta nila, ang ganda ng lyrics. Saka the way the pastor preach, very interesting talaga. Kanina muli na naman kami umattend ng service ni Aldrin. Katulad ng nararamdaman namin every service, sobrang fulfilling talaga. Nakakagaan ng pakiramdam. You will really feel na parang nasa tabi mo lang si GOD. Enjoy nga kami kanina. Ang kulit pa ng ilang pastors dun. After nun dating gawi, kumain ulit kami ng sisig. Too bad hindi sa Sisig Hooray kasi paubos na tinda nila so sa ibang stall nalang pero syempre sisig pa din. Yun talaga madalas namin kainin pag magakasama kami. Automatic na yun. Bago kumain syempre nag-pray muna kami at sya yung nag-lead. Nanuod din kami ng movie. Unexpected yun. Nagyaya si Aldrin. Gusto daw nya panuorin yung Prince of Persia kasi matagal nya yun hinintay at napanuod pa daw nya yung the making nun. Buti nalang may 9:30pm slot pa. So bumili kami ng tickets. Naisip ko nun hindi naman siguro ako male-late kasi mga 11:30pm for sure tapos na yun. Movie-bonding naman diba? Ganun talaga kami pag nagkita. Mabait naman si Aldrin eh syempre mas mabait ako. Wag ka kokontra Aldrin. :) Ang ganda ng movie na Prince of Persia. Yung story, characters , setting and the special effects were all good. Wala kong masabi. Parehas kaming tutok sa panunuod. Hinihintay kung anu yung susunod na mangyayari. In the end, nag-enjoy talaga kami. Sulit yung bayad. Sinamahan nya ko pauwi sa sakayan ng taxi kasi mejo nag-panic na ko baka ma-late ako kasi may skill check pa kami. Ayun...super worth ng day. Ang dami kong nagawa. Kahit paano nakalimutan ko yung pressure sa bagong work. Till next Friday. Thanks Aldrin!:)
No comments:
Post a Comment