Thursday, June 3, 2010

Shut My Mouth!

May mga pagkakataon talaga na super nagiging madaldal talaga ako and I tend to lose my control lalo na if the topic is very interesting. Sa bagay nature ko din naman talaga ang pagiging talkative. Minsan nga lang sobra na siguro to the point na destructing na pala. Marami nagsasabi sa akin na unang impression nila is tahimik ako. Pero kasi maingay talaga ko. Hindi naman loud sadyang may instances na I really talk a lot. I learned a lesson today to know my limitation sa pagiging madaldal. May scenario kasi kahapon na nagalit yung trainor namin because may mga teammates ako na nahuli nyang nag-iingay. And he got mad. Naintindihan ko naman sya kasi ang hirap talagang magsalita sa harap at mag-handle ng isang buong klase. Mali naman talaga yung nangyari kasi dapat pag may nagdi-discuss sa harap, kailangan you give your full attention as a respect to that person. Kanina kinausap nya ako unexpectedly. I never thought na isa pala ako sa mga tao na na-observe nya na madaldal at nag-iingay kapag nagdidiscuss sya. I don't feel embarrassed kasi alam ko in one way or another naging ganun naman talaga ko. Hindi man everyday pero ginawa ko naman talaga. I felt too much guilt about myself pero okay lang. I am thankful na sinabi nya agad yun sa akin at least I can change for the better at para hindi ko na ulit gawin yun. On the other side, I also defended myself na during the times I chit-chat with my seatmate, it is not because of nonsense reason but because nagtatanong lang ako sa mga topics na malabo or hindi ko agad naintindihan. I was wrong in the first place din kasi sa kanya dapat ako nagtatanung kasi he knew everything about the subject. Too bad I always address the concern to my seatmate. I fully admit it was my fault. Firts time ko din nga pala mapunta sa ganitong situation na kakausapin ako ng isang tao because I did a mistake. Akala ko nung una negative yung magiging effect nun sa akin pero wala kong naramdaman na ganun. That only means I am really open to changes when it comes to my attitude. No one is perfect. Everyone had their own areas of improvement and I'm glad I was able to know kung anu yung area na yun sa akin. It will somehow help me. Ang saya sa pakiramdam. Walang halong biro. I admire my trainor for doing that. Hindi naman yun kabawasan sa pagkatao ko. Ang pagiging honest kung anu ang nakikita mo sa ibang tao ay nagpapatunay lang na concern ka sa kanya. Thanks Gray! I owe you for that. Siguro nga may mga times na sobrang attentive ako sa klase kasi parati akong sumasagot or nagtataas ng kamay pero it does not necessarily mean na nagmamayabang ako. Nagkakataon lang talaga na alam ko yung sagot. May mga pagkakataon din na parang ang dami kong alam pero hindi yun pagmamalaki, marami nalang talaga akong napagdaanan sa buhay at base na din sa mga experiences ko which I want to share to everyone. Maaaring namimis-interpret ng iba pero ganun talaga. It takes one to know one. I don't really settle for first impression. Basta ang alam ko I am just being myself. Ayun. Drama mode? Happy lang kasi I know nagmamature na ko as an individual. Wow! May ganun diba?:)

No comments:

Post a Comment