Sunday, June 6, 2010

Back to "Paglalatag", Bowling Mode, Hataw sa GFI at Yoo-Hoo sa Metrowalk!

Last Saturday, I've got too many plans talaga. I was worried that I may not accomplish everything kasi super dami pero good thing at the end of the day nagawa naman namin lahat. Alas-kuwatro palang ng hapon nasa Megamall na ko kasi naglatag ako sa mga guests ni Kuya Joey. Sobrang na-miss kong gawin toh. Buti nalang sanay pa ko. Talagang nasa sistema ko na ang mag-present. Nag-eenjoy talaga akong gawin to. Buti nalang on-time ako dumating. Tatlo guests ni Kuya Joey. Kabado ako nung una pero in the middlee of the conversation naging okay naman sila. Ang bait at super "kalog". Positive naman. Naramdaman ko yun ng sobra. Alam ko sooner or later magiging part sila ng GFI. Kasama ko din so Joenel. Siya yung nag-A. Grabe hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ng maglatag ulit ako. Naisip ko sana eto nalang gagawin ko parati kaso syempre may work na ulit ako. Tapos na yung 3 months na pagiging malaya ko at ngayon tali na naman ang oras ko. Buti nalang sa mga oras na busy ako andyan sila Joenel at Kuya Joey para alagaan ang grupo ko. Salamat sa inyo.

Pagkatapos nun, dumating ang bago kong friend na si Chardie. Katulad ng naunang plano, magbo-bowling kami. Second-time ko na pala gawin toh. Hindi talaga ako marunong mag-bowling pero syempre dahil panibagong adventure toh willing akong matuto. Nung nag-start na kami, ang saya. Nakakawala sya ng stress talaga. Enjoy. Kahit madalas puro papuntang gilid yung tira ko okay lang. Isang beses lang ako naka-strike compared kay Joenel, nakuha agad nya yung strategy. Humanda ka Joenel sa second time na mag-bowling tayo. Babawi ako. Ahahaha..For sure nag-enjoy din si Chardie. First time ko syang nakasama na gumimik. Ang funny nya. No dull moment. Ayain ko ulit sya sa susunod.

Bumisita ulit ako sa second home ko after kong mawala ng three weeks. Ang GFI. Lahat sila na-miss ko. Kulang nalang i-hug ko lahat ng makikita ko. Grabe. Nakakapanghinayang yung mga araw na nawala ako pero pangako hataw ulit. Bawi mode na ako. Tama na muna ang pahinga. Sa event namin sa Sabado, sobrang excited na ko. Sana madami sa mga bumili ng ticket ang pumunta. Kay Upline Ken, maraming salamat sa pag-intindi sa akin. At sa grupo, pasensya na sa pagkukulang ko.

Ang last stop namin sa Yoo-Hoo sa Metrowalk para i-meet yung mga bago kong teammates. Naplano na kasi na mag-babonding kami ng Saturday evening. Ini-expect ko kumpleto kami pero pagdating namin ni Chardie nun eight lang cla. Okay lang. At kamusta naman hotseat ako that night. Aminan portion. Nagulat lang ako na apat sa teammates ko may crush sa akin. Wow talaga? Ang haba ng hair ko that night. Tapos nagkaroon ako ng chance na tanungin cla kung bakit ako. Medyo hindi ko kinaya yung sagot nila. Yung isa ang sabi hindi daw nya maipaliwanag. Yung isa kasi may x-factor daw ako. Yung isa kasi ang tahimik at cool ko daw. Tahimik? Madaldal kaya ako. At eto ang pinakamalupit sabi ng isa na-exceed ko daw kasi yung expectation na hinahanap nya sa isang babae. Ang sarap pakinggan. Super overwhelming yung feeling. Thank you guys for looking at me that way. Pero naisip ko mas masarap pakinggan yun kung ang nagsasabi ay yung taong gusto mo talaga. Sana na-a-appreciate din nya ako gaya ng mga teammates ko. Sana dumating yung time na sabihin din nya sa akin yung mga un. Ang hirap nya kasing -define. Oh Chuck!

No comments:

Post a Comment