Thursday, May 27, 2010

Skills Check Week! Arrgghh...

Grabe. Feeling ko nag-aaral ulit ako ngayon dahil sa ginagawa ko. Lumipat na nga pala ako ng bagong company and I am consider again as a "trainee". Syempre pag trainee ka more on classroom studies ang gagawin mo. Parang back to school lang. Ang swerte kasi puro air-conditioned ang mga rooms. Wow! Eight hours kayong nasa loob ng room, more on discussion kaharap ang isang flat screen na monitor. Take note, may kanya-kanya kaming computer compared before nung college hati-hati sa isang monitor. May attendance din. Bawal ma-late. May mga breaks at lunch time pa. At syempre, instead of professor, may trainor din kami. Sa halip na books, sa computer lahat naka-install ang mga information at lessons na dapat namin pag-aralan. High-tech na. Parang Yahoo at Google lang. Pwede din ang food sa loob pero syempre may exception. Sa two weeks ko ng nagte-training, panay fish crackers, flat tops at puto seko ang kutkutin ko. Panlaban sa antok. Nakakatuwa nga naman ang week na to kasi puro skills check kami. Define skills check. Eto yung exam every topic or discussion. Open notes naman kaso wala pa ding lusot kasi kahit alam mo na ang sagot kailangan mo pa din hanapin yung Doc ID para proof na nakita at nabasa mo yung tamang sagot. Sigurista di ba? Ang Doc ID ang reference number. May ganun pa? Syempre para iwas kopyahan at cheating. Ngayong week na toh naka-dalawang skills check na ko. Yung una 2 hours namin kinuha yung exam. Yung pangalawa 1 and a half hour. Mahirap yung mga questions. Ewan ko ba kung papasa ako dun. Sabi naman nung trainor may re-take daw so pwedeng umasa na din ako siguro dun. Pero syempre kahit paano pinagbutihan ko din hanapin yung mga sagot. Goodluck talaga sa akin. Nung college may time ka mag-review pero dito on-the-spot. Tapos most of the time inaantok pa ko so hindi ko talaga na-aabsorb yung ilang part ng discussion. Sa bagay kasalanan ko din. Ang dami naman kasing terms at ang complicated ng system nila. Pero pag nagtagal matututuhan ko din to. Sa umpisa lang talaga mahirap. Balita ko may skills check na naman kami next week. Haii..ang skills check pinasosyal na term para sa isang exam. Cool! Pero magiging cool nga din kaya kakalabasan ng score ko? Naku!

No comments:

Post a Comment