Thursday, May 27, 2010

Shagiddy-Shagiddy Shapopo!

Kanina para may icebreaker sa training namin since kaming lahat antok na naisip nung trainor namin maglaro ng "Shagiddy-Shagiddy Shapopo". Sa isip ko naman anu yun? Bago sa pandinig pero mukhang exciting naman. Tapos bumuo kami ng isang bilog. Eighteen kaming lahat. Nung na-explain na yung game, kailangan mo pala gayahin yung movements nung katabi mo. Ako naman ang tagal ko bago ma-gets. Ayun dahil sken nabe-break parati yung chain. Eh ako pa naman mahina talaga ako sa instructions at mga directions. Numero-unong weakness ko kaya un. Mga tatlong trials siguro bago ko nakuha. Ang kulit kasi ng mga steps ng katabi ko. Ang hirap gayahin. Dahil dun isa ako sa mga naging rule-breakers kaya may punishment tuloy ako. Yung mga batchmates ko naman sa sobrang excited naisipan nalang na truth or consequence yung gawin. Ang naisip ko talaga consequence kaso natakot ako baka kung ano yung ipagawa. Ang nauna sa akin si RJ nagtruth ba naman so ang tanong sa kanya sino daw ang crush nya sa klase namin eh malay ko ba na ako ang sasagot nya. Astig! Ang mean ko nga kasi dedma lang talaga ako. Nung ako na nagtruth nalang din ako. Ang tinanung sa akin if may pag-asa daw ba si RJ? Honest naman ako so sinabi kong wala. Grabe naman kasi parang highschool lang. Anu kami teenyboppers?? Ahahahaa..syempre solid "Chuck" toh. Tapos sumunod si Anna at Emma na kumanta. Medyo naawa ako kay Emma na isa sa mga batchmates ko kasi parati nalang sya pinagkakatuwaan ng klase. Kung ako man nasa kalagayan nya maiinis din ako or maiirita. Kaya hindi ko sya masisisi if ever ang "cold" ng treatment nya sa amin. Fault naman talaga namin. Sorry Emma! :( Sana wag na ulitin yung game na toh. Iba nalang. Parang bata lang di ba? Hai...

No comments:

Post a Comment