Friday, March 14, 2014

M.O.



One of the hardest things to do—mag-move on. Ang weird mang sabihin pero yan ang ginagawa ko ngayon. Alam naman natin kung bakit dapat gawin ito. Ang dali lang sabihin pero sa totoo lang mahirap gawin. You don’t even know how to start at kung kaya mo bang gawin. You’re trying to question your capability. Ayoko sanang gawin pero I don’t want to wait in vain. Hindi mo nga alam kung may hinihintay ka talaga. I am a risk-taker pero pagdating sa usapang pag-ibig I’m a coward. Gusto ko man tanungin ang taong gusto ko kung gusto ba nya ako hindi ko talaga kaya. First, I am breaking the rule ng pagiging babae cause guys suppose to do that and second, I am deeply afraid of rejection. Ang hirap kayang tanggappin na marinig mo sa kanya na hindi pa sya ready na ang ibig sabihin naman talaga ayaw nya sayo or hindi ka nya trip or friends lang talaga kayo. Mawawalan ka talaga ng pag-asa and all you hope for is sana makalimot ka agad. We have different ways to move on. Pero the difficult part is you’re moving on pero kasama mo pa din parati yung tao na source ng pagmo-move on mo. Ang result wala din. Naisip ko nga minsan why don’t I just tell that guy that I like him. Sabi nga ng kakilala ko sa buhay ng tao walang gray area—yes or no lang. Pag nag-yes sya eh di ayos at pag nag-no naman wala ka talagang magagawa. Ganun talaga ang buhay. Either you win or lose. Gusto ko na talaga mag-move on. Hindi ko lang alam kung paano. Kasi I still have this hope na pwede. Hindi ko pa kasi naririnig sa kanya. Yung hope mo na baka ganun din sya. Wala namang masama mangarap. Kaso tuwing naiisip ko din na sobrang tagal na nito at wala pa din, baka nga were destined to be friends lang. Baka nga hanggang dun nalang. Hindi ko alam kung anu na ang dapat kong isipin. I want freedom. Yung tipong hindi ko muna sya iisipin. Hindi ko muna sya isasama sa mga priorites ko at yung tipong I’ll focus on myself and other important stuff. Kaya lang pag andyan na sya nakakalimutan ko na lahat. I’m back to zero again. Ang hirap pag attached ka na sa tao. Sabi din nila if you want to fully move on isipin mo din daw ang mga pangit na bagay na meron sya. Kaso parang bitter naman kakalabasan ko at tsaka the process is kinda negative. Pag hindi mo naman sya pinansin or nag-iba ka ng routine, obvious naman na may mag-iiba sa akin. At mapapansin nya yun. So ano ba ang dapat? Ang gulo di ba. I think I just wanna get back with my old self. Kasi naman dati simple lang ako. Parang ngayon I am trying too hard to be different para lang mapansin. And I really hate it.I just want to get over this feeling. Hindi ko alam kung kelan at gaano katagal pero ginagawa ko na sya ngayon. Sana mapanindigan ko lang talaga or else parang niloloko ko lang ang sarili ko. 

No comments:

Post a Comment