Last September 1, my Lolo na nakasanayan na naming tawaging "Daddy" passed away. After how many months of being bed-ridden, sumuko na sya. This has been one of the most difficult experience na pinagdadaanan ng isang pamilya. Loss of a family member. I can say I am a "grandpa's girl". I grew up with him teaching me good values about life. Isa sa mga bagay na tinuro sa akin ni Daddy is how to be religious. Bata pa lang ako I was trained to be a good follower of God. Parati nila akong kasama sa mga prayer meetings nila at dahil dyan naging member din ako ng isang Legion. Kung hindi naman dahil kay Daddy hindi ko malalaman lahat ng bagay na ito. We had a religious family and very active sa mga church gatherings. Daddy is an intelligent man as well. Naniniwala na ako na nung panahon nila Daddy, studying was taken seriously kasi naman iba yung level ng thinking nya and very good in decision-making. Super sinop pa that is why if you'll visit our house in Hagonoy you will see yung mga diplomas and certificates ng mga tito and tita ko way back in elementary, high school and college. Na-preserve nya talaga yun. Dyan ako bilib sa kanya. He gave importance on those things na sobrang bihira na ngayon dahil sa bagong generation. When they transferred sa Agatha, mas naging malapit ako sa kanya. Last birthday ko, he even gave me a copy of my graduation picture nung college as a gift. Ako nga hindi ko napa-photocopy yun nakuntento nalang ako sa isang copy pero sya meron ng sa photo album meron pa yung sinabit nya sa wall dun sa bahay. Proud talaga sya sa achievements ng bawat isa mapa-apo or anak pa nya. Pag may away or misunderstanding ang pamilya, he bridged the gap between each families. We may not be a perfect family but he taught us to embrace the imperfections and learn how to love each other. I've got so many good memories of him. Nung high school ako parati ako pumupunta sa kanya para magpatulong sa mga assignments ko especially sa English. Gigising sya ng maaga to make sure na before ako umalis nagawa na nya. Ganyan sya katiyaga. Bibigyan ka pa nya ng references and I remember ginawa pa nya ako ng book na maliit wherein he compiled all the articles and details na pwede kong magamit in my college days. Nung college din pati sa Calculus nagpapaturo ako sa kanya. Alam kong mahirap yun pero he still tried his best. Malay ko ba if may Calculus na nung time nila. Kahit hirap syang i-solve yung problems na puro x and y pero pinilit pa din nya. Plus ang ganda nya magsulat na kelan man hindi ko namana. Very organized pati yung signature nya mami-miss ko. Feeling ko nga nakuha ko yung signature nya kahit unti. Haha. Pag Christmas, hindi pwedeng hindi mo makita yung Christmas Tree nya na gawa sa yarn, project lang namin yung ganun nung elementary ako pero pinanindigan nyang maging Christmas Tree every December. Kahit kung anu-anu nalang ang sinasabit nya-dun. May carton ng Bear Brand at Nido, may balat ng kendi at kung anu-anu pa na galing sa recycled materials. Ikaw na Daddy ang creative. Hindi ko ulit namana yan, sayang. Yung bota pag baha mamimiss ko din yun kasi parati mong suot. Ilang apo mo na ang nakaabot dyan. Ginawa mo na nga minsang everyday part ng outfit mo Daddy kasi pag pupunta ka ng bayan yan pa din suot mo. Ayaw mo mawawala sa paningin mo. Hindi ko din namana yung ilong mo. No offense Mommy kasi alam kong medyo hawig tayo ng ilong pero mas okay sana kung yung kay Daddy ang nakuha ko kasi mas maganda at matangos sya pero keri na toh. Siguro pag umuwi kami sa Hagonoy mas madming memories ang maalala namin. Ang hira na ulit bumalik kasi dun kasi every corner of the house maalala mo sya. Sa CR pag nakita mo sya maalala mo kasi ang bagal maligo. Sa sofa parati syang tulog na nakabaluktot pa at parating sarado ang bintana kahit sobrang init. Sa kusina, makikita mo yung mga sulatin nya at mga folders katabi ang lalagyan ng pandesal. Sa taas naman yung baul nya na hindi mo alam kung ano yung laman. Hindi man ako vocal sa kanya para sabihin kung gaano sya ka-importante pero his loss left a mark sa heart ko. Alam kong may kulang talaga. I am guilty din kasi nung mga days na maysakit sya medyo nawalan ako ng time kasi naging busy ako at mas pinili akong i-spend ang time ko sa work. Nakalimutan ko na andyan pa pala sya. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Nung maysakit sya dun pa ako nag-effort na makita at maipakitang mahalaga sya. I made such terrible mistake. A day before he passed away, we had a short conversation. I even massaged his left arm and nag-uusap pa kami. From that day, I know pinipilit nalang nya. And alam akong ayaw pa nyang mag-let go. He's still fighting for his family. Everyday na lumilipas mas nagiging worst ang kalagayan nya pero ayaw nyang aminin na nahihirapan na sya. Up to the end, hindi nya pinaramdam sa amin na pagod na sya. Every time na tatanungin mo sya parati nyang sasabihin "okay lang ako" at pag tatanungin mo kung ano ang masakit ang sagot nya "wala". Kapag nagkakasayahan kami kahit hindi na nya kayang ipalakpak ang kamay nya pipilitin pa din nya. A very strong brave man. Parating positive ang response. Hanggang huli lumalaban. I can say I'm one of the person na ayaw syang i-let go, selfish man isipin pero gusto ko makasama pa sya ng matagal kahit hanggang Christmas kaso everything has an end. At eto na yun. Nagpapasalamat ako kay GOD for giving Daddy to us sa loob ng mahabang panahon. Parang kulang pa pero madami na syang nagawa at napatunayan sa loob ng 88 years, Naging makabuluhan ang buhay nya at marami na syang natulungan at napasayang tao. Tapos na ang misyon nya. Alam ko masaya na sya kasi He's with our Creator na. Pero kahit ganun pa man I know he's watching us. Thank you GOD for giving Daddy to us.
No comments:
Post a Comment