Sunday, October 3, 2010

I`m scared because suddenly it's clear how much he really means to me.

Maraming nangyari last week. May masaya. May malungkot. May sakto lang. Kaso may realization ako. With regards to my work, atp din ako. Nauna lang si Kuya. Hindi na naman ako nagulat. Mas okay na toh kesa naman ako nalang yung matira dun. Unexpected lahat ng mga nangyari last week. Hindi ako ganun kahanda. Kaya medyo nawindang din ako. Seven agents nalang per team ang natira. I am not that worried kasi may bibigay naman na malilipatan ng account and we still have our salary for two cut-offs. Still safe pa din. Ewan ko ba mas namublema pa ko kay SleepyHead. Now that we are getting closer and closer and we are starting to know each other ngayon pa nangyari toh. Nakakainis naman. Wrong timing. Ngayon pa na nakikita ko na kahit paano we get along na and okay na kami. Ba't kasi nangyari pa toh? If there's one person na mami-miss ko, sya talaga yun. The mere fact na sya yung reason why I enjoyed my shift every night and kung bakit ako inspired ngayon, bigla nalang mawawala. I was one of her trusted companion, alam ko yun. When he heard about the news, hindi rin nya matanggap. Mas nalungkot ka pa sya kesa sa akin. Ako nga medyo cool pa pero sa kanya ayaw pa rin mag-sink in na atp din ako. Sabi pa nya ang galing ko daw, ang ganda ng stats ko hindi daw ako dapat maalis kaso nung pinakita ko yung disclosure letter ayun I saw from his face yung sadness. Kilala ko pa naman sya pag masaya at malungkot. Mas nag-worry pa sya na matatanggal ako kesa sa batchmate nya na kasama nya from very start sa PS. Na-touched talaga ako ng sobra. Grabe. Hindi ko maipaliwanag na kahit ganun pala importante din ako sa kanya. Hindi yun ganun ka-vocal pero you'll see it from his eyes. Namrublema tuloy ako lalo nung makita ko syang ganun. They started the re-profiling last week and super confused ako kya naman kung anu-anung account sinabi ko. Tapos ngayon nahihirapan akong magpa-cancel. Haissstt..I am beginning to hate this. I'll be having my interview later for HireRight. Before the end of my Friday shift which will be the last day I'll be taking calls, may moment pa kami ni SleepyHead. May team building sila together with the other commcoaches so hindi sya makakasama sa breakfast namin. Bago sya umalis, pinuntahan muna nya ako. When he saw me, he gave me this "sad stare'" tapos sabi nya "bye na". I don't know how to react pero sobrang malungkot din ako that time. He opened his arms to hugged me. Grabe sobrang tight ng hug nya. Mami-miss ko yun. Madalas akong i-hug nun. Kahit ganun sya sweet naman yun. Tsaka madalas din nya hawakan kamay ko tapos magkukulitan kami. Parang gusto kong umiyak that time. Sobra. Naramdaman ko talaga na gusto ko na sya kahit super opposite mga interests namin at magkaiba kami ng pananaw sa buhay. Pag magkasama kami super iba sya. Kahit isip-bata sya hindi naman nya pinasakit ulo ko. Napaka-honest nya unlike yung ibang other guys na nakilala ko. Kapag may ayaw sya sinasabi nya agad. Now pa lang nami-miss ko na sya. Imposible ng magkita kami everyday. Hindi ko pa alam kung sang account ako matatanggap. Sana nga same building kaso malabo pa. Bahala na. Ang alam ko lang he really means a lot to me now. Sana lang we can still keep in touch. Pinky promise, SleepyHead:)

No comments:

Post a Comment