Thursday, August 26, 2010

SeatMate

Tama bang sabihin na matagal kong hinintay na sana magkaroon naman ng chance na maging mag-seatmate tayo? Ang funny kung babasahin pero totoo pinag-pray ko din yan. Not because of the 'kilig factor", kasi gusto kitang mas lalo pang makilala. Alam ko iba ka. Kanina sa di inaasahang pangyayari pagdating ko andun ka na nakaupo sa tabi ng station ko. Salamat kuya at dun ang pinili mong paglagyan ng gamit ko at dahil dyan dun ako umupo. Sa una dedma lang. Kanya-kanyang mundo. Pero nung nagtagl ayan na, kwentuhan na at may kasama pang kulitan. Nakakatawa pa kasi ang kulitan natin sobrang kakaiba. Andyan na magtusukan tayo ng pins na sa huli ay sabay nating binalot sa scotch tape at tinapon sa basurahan. kagatin daw ba ang kamay ko? Tapos nag-spray-an pa tayo ng alcohol kasi sabi ko kaamoy ng pabango mo. Syempre hindi ka makaganti kasi hindi kita bibili ng burger. Tapos habang bagca-calls ka dinidikitan kita ng scotch tape sa mukha. Buti nalang hindi ka pikon. Sobrang asaran at kulitan talaga, tamang-tamang pampatanggal ng antok. Tapos magkakatinginan nalang kami at biglang tatawa na parang sira lang. Wala lang. Gusto ko lang kwento toh kasi ito ang pinaka-unang pagkakataon na naging mag-seatmate tayo.:)

No comments:

Post a Comment