Saturday, May 29, 2010

Isa Kang Malaking Tanong!

Bakit kaya ganun pag sobrang excited ka sa isang bagay na ni-look forward mo na mangyayari for a certain day bigla nalang mauudlot, maca-cancel, hindi matutuloy . Yung tipong pinaghandaan mo yung araw na yun tapos mauuwi lang sa wala. Sadyang umasa lang kaya ako? Pwedeng oo. Yan ang problema eh. Parati nalang umaasa. Wala naman atang kakahinatnan. Anu kaya tamang gawin ko dun? Ang umasa kasi sa tao na yun isa sa mga bagay na nagpapasaya sa akin. Mahirap bang ilagay sa isip ko na wag nalang ganun kasi lugi din ako sa huli pero hindi ko maturuan yung utak ko. Parte na talaga sya ng sistema ko. Nagiging unfair na nga ako sa sarili ko. Pwede namang hayaan ko nalang. In short dedma. Pero hindi ko naman kayang gawin. Ewan. Kasi naman sa nga times na akala ko wala kang pakialam sa akin bigla ka nalang magtetext at mangangamusta. Ako naman sa mga oras na hindi ka nagpaparamdam pinipilit kong i-divert yung sarili ko sa ibang bagay. Tapos nung nasa point na parang okay na ko tsaka ka ulit biglang susulpot at tatanungin kung kamusta na ko. Kamusta naman diba? Naiisip mo lang ba ko pag hindi na ko nagpaparamdam or kakulangan ba talaga ako sa buhay mo pag wala kang nabalitaan sa akin kahit na sa buong linggo o pwede ding naiisip mo lang ba kong kamustahin pag malungkot ka at wala ka ng makausap? Ang hirap kasi. Paki-define naman. Sabihin na nating baka namimis-interpret ko lang ang closeness natin pero panu naman yung nakikita kong effort sayo minsan na ginagawa mo which is for I now beyond the friendship na. Yes, we are friends. Pero why there are times we act like we are too much than that. Sorry kung ganun yung nafi-feel ko kasi ganun nakikita ko sayo. Kaya sana malaman ko agad kung anu ba talaga toh. Hindi naman ako takot sa maririnig ko. Yun lang malulungkot given na yun pero at least hindi naman yung tipong ganito nalang ako parati. Ayun. Ang kulit mo kasi eh. Cge na nga bahala na. Abangan nalang ang susunod na kabanata.

No comments:

Post a Comment