Sunday, November 15, 2009

Missin' My Good Friend Jeric

I really don’t know how to start this things up. Wala lang. I feel so sad that I as long as the rest of the Thomasians missed the companion of our great friend, Jeric. Madaya man isipin kasi he left us unexpectedly. Ganunpaman, he has been part of our life for a long time. Who could ever forget him? We had been friends and classmates way back in highschool so daming memories talaga nun. Hindi man kami madalas magkasama, meron pa ding mga times na maaalala mo talaga sya. Bukod sa sobrang dedicated sya sa studies nya, he is very friendly to everyone. Kaya panalo sa kahit anung botohan yan, mapa-CSG or barangay elections. Bow kami jan. I remember Jeric as a friend na lagi andyan, financially or emotionally. I remember nung 2nd year kami there was a task na you will be writing a letter to one of your closest friend, I received one from him. I was surprised, ang saya kaya ng pakiramdam na naalala ka pa niya. Nakasulat pa sa letter na once I get married daw kunin ko daw sya ninong sa kasal, masyadong advance db? Pero sayang Jeric hindi mo na tinupad yung sinabi mo dun. Tapos leader pa yan sa paggawa ng projects namin sa Filipino. One of Thomas’ unforgettable moment is nung ginagawa namin ung Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Full force kami lahat jan. Pati yung "mumu" scene na si Edel atah ung napagdiskitahan sa kampanaryo ng simbahan sa Sta. Monica, dedma pa din kami tinuloy pa rin namin yung project. It is all worth the effort naman. Pati yung retreat sa Baguio wherein that time our family is having financial problem, supposedly dapat hindi na ko makakasama pero he made a way para ma-experience ko yung moment na un. I really thanked you for that kahit pagbalik natin from Baguio sinabon tayo ni Monsignor at Father Nap because of vandalism.
Jeric was also one of my good mentor pagdating sa pagiging commentator at lector ko every first Friday mass. He was always there to help and guide me out. Naalala ko pa nung puro mali-mali instruction ko nun sa isang misa na pinag-upo at tayo ko yung mga tao, sa halip na tumawa sya, he tapped my shoulder at sabi nya, "okay lang yan." At eto pa, ako pa ang taga-abot ng mga goodluck letters ni Jessa sa kanya kapag magco-compete kami sa Bulprisa. (Peace out Jessa!) At ang pagtukso-tukso ng klase sken kay Andrew sya rin ang promotor. Kakaiba ka talaga Jeric.

Hindi ba nakaka-miss ang ganitong klase ng kaibigan? I knew after the graduation we we totally lose communication na. Sobrang sorry Jeric if kung hindi mo na-feel ang presence ko during your campaign period. Puro text lang ako. I admit I was busy that time pero until now sobrang may regret din dahil I never thought na maikling time nalang pala ang mai-spend mo kasama kaming mga classmates mo. The last time I saw you pa nga sakay ka din ng motorsiklo na angkas mo yung brother mo, I never thought din na yun na pala ang huli. Nakakalungkot talaga. When I heard about your death, sobrang nanlambot ako to the point na hindi ako makapaniwala, until now I still can’t believe na you are not here with us anymore. Mag-tatlong taon na din un. Parang ang bilis ng panahon pero kaming mga kaibigan mo andito pa din umaasa na isang araw baka bumalik ka pa para makita uli namin ang pagngiti mo kasabay ng paglitaw ng dalawa mong "dimples" at mga singkit na mata. But I know God has a reason for everything and I know you are happy because you are with God right now. Madami man kaming friends mo na till now is still mourning for your loss but I know you are just around watching us. Hindi ko din masabi na ang daya mo kasi ang dami ko din pagkukulang sayo as a friend and a classmate. Nakaka-miss ang pagtawag mo sken ng "Aprilynnn" na sobrang pronounced na pronounced, kaw lang ang tumawag sken ng buo kong pangalan tapos ngayon wala na. Basta, we are still here for you, kahit minsan sobrang busy, hindi ka namin nakakalimutan. That’s a promise and we will never broke that. Your memories and our experiences together as Thomasians will remain forever.
Pouvez vous se reposer dans la paix. Merci de tout Jeric.

No comments:

Post a Comment