Sunday, June 6, 2010

Back to "Paglalatag", Bowling Mode, Hataw sa GFI at Yoo-Hoo sa Metrowalk!

Last Saturday, I've got too many plans talaga. I was worried that I may not accomplish everything kasi super dami pero good thing at the end of the day nagawa naman namin lahat. Alas-kuwatro palang ng hapon nasa Megamall na ko kasi naglatag ako sa mga guests ni Kuya Joey. Sobrang na-miss kong gawin toh. Buti nalang sanay pa ko. Talagang nasa sistema ko na ang mag-present. Nag-eenjoy talaga akong gawin to. Buti nalang on-time ako dumating. Tatlo guests ni Kuya Joey. Kabado ako nung una pero in the middlee of the conversation naging okay naman sila. Ang bait at super "kalog". Positive naman. Naramdaman ko yun ng sobra. Alam ko sooner or later magiging part sila ng GFI. Kasama ko din so Joenel. Siya yung nag-A. Grabe hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ng maglatag ulit ako. Naisip ko sana eto nalang gagawin ko parati kaso syempre may work na ulit ako. Tapos na yung 3 months na pagiging malaya ko at ngayon tali na naman ang oras ko. Buti nalang sa mga oras na busy ako andyan sila Joenel at Kuya Joey para alagaan ang grupo ko. Salamat sa inyo.

Pagkatapos nun, dumating ang bago kong friend na si Chardie. Katulad ng naunang plano, magbo-bowling kami. Second-time ko na pala gawin toh. Hindi talaga ako marunong mag-bowling pero syempre dahil panibagong adventure toh willing akong matuto. Nung nag-start na kami, ang saya. Nakakawala sya ng stress talaga. Enjoy. Kahit madalas puro papuntang gilid yung tira ko okay lang. Isang beses lang ako naka-strike compared kay Joenel, nakuha agad nya yung strategy. Humanda ka Joenel sa second time na mag-bowling tayo. Babawi ako. Ahahaha..For sure nag-enjoy din si Chardie. First time ko syang nakasama na gumimik. Ang funny nya. No dull moment. Ayain ko ulit sya sa susunod.

Bumisita ulit ako sa second home ko after kong mawala ng three weeks. Ang GFI. Lahat sila na-miss ko. Kulang nalang i-hug ko lahat ng makikita ko. Grabe. Nakakapanghinayang yung mga araw na nawala ako pero pangako hataw ulit. Bawi mode na ako. Tama na muna ang pahinga. Sa event namin sa Sabado, sobrang excited na ko. Sana madami sa mga bumili ng ticket ang pumunta. Kay Upline Ken, maraming salamat sa pag-intindi sa akin. At sa grupo, pasensya na sa pagkukulang ko.

Ang last stop namin sa Yoo-Hoo sa Metrowalk para i-meet yung mga bago kong teammates. Naplano na kasi na mag-babonding kami ng Saturday evening. Ini-expect ko kumpleto kami pero pagdating namin ni Chardie nun eight lang cla. Okay lang. At kamusta naman hotseat ako that night. Aminan portion. Nagulat lang ako na apat sa teammates ko may crush sa akin. Wow talaga? Ang haba ng hair ko that night. Tapos nagkaroon ako ng chance na tanungin cla kung bakit ako. Medyo hindi ko kinaya yung sagot nila. Yung isa ang sabi hindi daw nya maipaliwanag. Yung isa kasi may x-factor daw ako. Yung isa kasi ang tahimik at cool ko daw. Tahimik? Madaldal kaya ako. At eto ang pinakamalupit sabi ng isa na-exceed ko daw kasi yung expectation na hinahanap nya sa isang babae. Ang sarap pakinggan. Super overwhelming yung feeling. Thank you guys for looking at me that way. Pero naisip ko mas masarap pakinggan yun kung ang nagsasabi ay yung taong gusto mo talaga. Sana na-a-appreciate din nya ako gaya ng mga teammates ko. Sana dumating yung time na sabihin din nya sa akin yung mga un. Ang hirap nya kasing -define. Oh Chuck!

Friday, June 4, 2010

Youth Service at Prince of Persia MovieTime with Aldrin!:)

Ngayon ay Friday. Ang bonding day namin ni Aldrin kay GOD. I mean "Papa GOD" kung tawagin niya. Sobrang thankful ako kasi si Aldrin ang nagbigay ng idea sa akin regarding youth service. isa sya sa mga closest friend ko ngayon. Sinama nya ko isang beses hanggang naging consistent na yun every Friday. Parati namin napapag-uusapan na every Friday we will dedicate our time with GOD. The Victory Church located at Robinson's Galleria has became a big part of our life. Madalas kami pumunta dun ni Aldrin. Ang saya kasi they will help you get closer kay Papa GOD. Minsan nga bitin pa yung service. Nagustuhan ko pa dun yung mga kanta nila, ang ganda ng lyrics. Saka the way the pastor preach, very interesting talaga. Kanina muli na naman kami umattend ng service ni Aldrin. Katulad ng nararamdaman namin every service, sobrang fulfilling talaga. Nakakagaan ng pakiramdam. You will really feel na parang nasa tabi mo lang si GOD. Enjoy nga kami kanina. Ang kulit pa ng ilang pastors dun. After nun dating gawi, kumain ulit kami ng sisig. Too bad hindi sa Sisig Hooray kasi paubos na tinda nila so sa ibang stall nalang pero syempre sisig pa din. Yun talaga madalas namin kainin pag magakasama kami. Automatic na yun. Bago kumain syempre nag-pray muna kami at sya yung nag-lead. Nanuod din kami ng movie. Unexpected yun. Nagyaya si Aldrin. Gusto daw nya panuorin yung Prince of Persia kasi matagal nya yun hinintay at napanuod pa daw nya yung the making nun. Buti nalang may 9:30pm slot pa. So bumili kami ng tickets. Naisip ko nun hindi naman siguro ako male-late kasi mga 11:30pm for sure tapos na yun. Movie-bonding naman diba? Ganun talaga kami pag nagkita. Mabait naman si Aldrin eh syempre mas mabait ako. Wag ka kokontra Aldrin. :) Ang ganda ng movie na Prince of Persia. Yung story, characters , setting and the special effects were all good. Wala kong masabi. Parehas kaming tutok sa panunuod. Hinihintay kung anu yung susunod na mangyayari. In the end, nag-enjoy talaga kami. Sulit yung bayad. Sinamahan nya ko pauwi sa sakayan ng taxi kasi mejo nag-panic na ko baka ma-late ako kasi may skill check pa kami. Ayun...super worth ng day. Ang dami kong nagawa. Kahit paano nakalimutan ko yung pressure sa bagong work. Till next Friday. Thanks Aldrin!:)

Thursday, June 3, 2010

Shut My Mouth!

May mga pagkakataon talaga na super nagiging madaldal talaga ako and I tend to lose my control lalo na if the topic is very interesting. Sa bagay nature ko din naman talaga ang pagiging talkative. Minsan nga lang sobra na siguro to the point na destructing na pala. Marami nagsasabi sa akin na unang impression nila is tahimik ako. Pero kasi maingay talaga ko. Hindi naman loud sadyang may instances na I really talk a lot. I learned a lesson today to know my limitation sa pagiging madaldal. May scenario kasi kahapon na nagalit yung trainor namin because may mga teammates ako na nahuli nyang nag-iingay. And he got mad. Naintindihan ko naman sya kasi ang hirap talagang magsalita sa harap at mag-handle ng isang buong klase. Mali naman talaga yung nangyari kasi dapat pag may nagdi-discuss sa harap, kailangan you give your full attention as a respect to that person. Kanina kinausap nya ako unexpectedly. I never thought na isa pala ako sa mga tao na na-observe nya na madaldal at nag-iingay kapag nagdidiscuss sya. I don't feel embarrassed kasi alam ko in one way or another naging ganun naman talaga ko. Hindi man everyday pero ginawa ko naman talaga. I felt too much guilt about myself pero okay lang. I am thankful na sinabi nya agad yun sa akin at least I can change for the better at para hindi ko na ulit gawin yun. On the other side, I also defended myself na during the times I chit-chat with my seatmate, it is not because of nonsense reason but because nagtatanong lang ako sa mga topics na malabo or hindi ko agad naintindihan. I was wrong in the first place din kasi sa kanya dapat ako nagtatanung kasi he knew everything about the subject. Too bad I always address the concern to my seatmate. I fully admit it was my fault. Firts time ko din nga pala mapunta sa ganitong situation na kakausapin ako ng isang tao because I did a mistake. Akala ko nung una negative yung magiging effect nun sa akin pero wala kong naramdaman na ganun. That only means I am really open to changes when it comes to my attitude. No one is perfect. Everyone had their own areas of improvement and I'm glad I was able to know kung anu yung area na yun sa akin. It will somehow help me. Ang saya sa pakiramdam. Walang halong biro. I admire my trainor for doing that. Hindi naman yun kabawasan sa pagkatao ko. Ang pagiging honest kung anu ang nakikita mo sa ibang tao ay nagpapatunay lang na concern ka sa kanya. Thanks Gray! I owe you for that. Siguro nga may mga times na sobrang attentive ako sa klase kasi parati akong sumasagot or nagtataas ng kamay pero it does not necessarily mean na nagmamayabang ako. Nagkakataon lang talaga na alam ko yung sagot. May mga pagkakataon din na parang ang dami kong alam pero hindi yun pagmamalaki, marami nalang talaga akong napagdaanan sa buhay at base na din sa mga experiences ko which I want to share to everyone. Maaaring namimis-interpret ng iba pero ganun talaga. It takes one to know one. I don't really settle for first impression. Basta ang alam ko I am just being myself. Ayun. Drama mode? Happy lang kasi I know nagmamature na ko as an individual. Wow! May ganun diba?:)

Butch Daw?

Nakakatawa namang isipin na minsan may mga tao na akala nila "butch" or "tomboy" ako just because I've never been in any kind of relationship or serious commitment until now. This was not the very first time that someone joked around me regarding the same concern. Ang weird db? Pero syempre I don't mind them. Natutuwa lang ako sa kanila. Para sa akin, ang hindi pagkakaroon ng boyfriend or yung tinatawag nilang 'nbsb" or "no boyfriend since birth" ay hindi kawalan sa isang babae. Hindi ibig sabihin hanggang ngaun wala ka pang naging boyfriend eh "tomboy" ka na or "choosy" o kaya naman"pihikan". Sa part ko kasi i'ts all about choice. Hindi pa kasi sya talaga kasama sa mga priorities ko or sabihin na nating huli sya sa listahan ng mga gusto kong gawin sa buhay. Madami ang nagsasabi sa akin na i-try ko daw kasi ang sarap ng feeling na may nakakasama ka, kinikilig ka at nararamdaman mo yung tinatawag na "love". Totoo naman yun kaya lang hindi ako sang-ayon sa salitang "subukan". Ang gusto ko pag pumasok ako sa isang relasyon, seryoso sya at talagang bukal sa puso ko yung pakiramdam. Sabihin na nating may mga pagkakataon na nalulungkot at naiingit ako sa ibang tao pero madami ka pa namang bagay na pwedeng gawin para i-divert ang attention mo sa ibang bagay. Yun ang ginagawa ko ngaun na talaga namang nag-eenjoy ako. Ang taong katulad ko na "single" hanggang ngaun ay hindi nanganghulugang miserable na ko sa buhay ko. At hindi porke "single" na ako, hindi na ko marunong ma-inlove. Nararamdaman ko din yun at nararamdaman ko ito ngayon. Masaya. Nakakakilig. Nakaka-inspire. Nakakapaglagay ng ngiti sa mukha. Nakakapawi ng lungkot. Alam ko kung anu ang pakiramdam ng taong in-love. Pagdating sa love, hindi ako nagmamadali. Darating yan sa tamang panahon. Malalaman mo naman pag sya na ang taong hinihintay mo. Mararamdaman mo yung tinatatawag nilang "spark". Corny mang pakinggan pero totoo yun. Ilan sa mga kaibigan ko ang nagsabi nun sa akin. Hilaw pa man ako sa pakikipagrelasyon pero hindi yun nangangahulugan na wala na akong alam pagdating sa usapang pag-ibig. Mature na naman ako. Hanggang ngaun, tuwing naiisip ko yung sinasabi ng ibang tao sa akin na "butch" ako, napapailing lang ako. Straight po ako. Kumbaga, babaeng-babae po ako. Isandaang porsyentong babae. Hayyy. Ang kumplikadong mag-isip talaga ng ibang tao. Kung alam lang nila sobrang inspirado kaya ako ngayon dahil sa isang lalaki. Take note "sa isang lalaki". Makikilala din nila sya sa tamang oras at panahon. :)

Wednesday, June 2, 2010

Tulog Mantika!

What a relief! I got 9 hours of sleep today. Yehey! Super blessing kasi normally I only use to have 5 hours. Siguro the fact na hindi ganun kainit yung panahon since the rain poured down a while ago kaya ang sarap matulog. Grabe. Ayoko ng bumangon. kung wala lang akong lakad later malamang tulog pa din ako hanggang ngayon. Ang cool ng pakiramdam kasi feeling ko ang lakas ng energy ko at na-recharge ulit din ako after kong ma-stress ng ilang araw. Sana sa work later hindi ako antukin kasi sometimes may tendency ako na pag na-oversleep mas inaantok ako. Ready na kong mag-dinner, "dinuguan". Oooopppss! May naaalala ako everytime na kakain ako ng "dinuguan". Si Matteo. Hindi kasi sya kumakain nun. Isa yun sa mga challenge na ginawa namin during Dare Duo ang pilitin at saluhan ko sya na kumain nun. Napapangiti tuloy ako tuwing maaalala ko yun. Ang saya! Hindi rin ako makakapagbaon today kasi may imporatante pa kong lakad. Hindi ako makakapag-prepare. Di bale bukas nalang. :)

No Re-Take!

Thank you GOD. After series of skills check exam that I've went through last week I was so happy to know I passed the three difficult and complicated exams. I was so pressured because there were instances I really don't know where to find the answer but the fact that I tried my best means that it's worth everything. There were still four remaining skills check for the whole 7 weeks of my training and I am hoping that I can pass all those exams with flying colors. I just simply need to listen very well with each discussion and most importantly I need to take down notes especially the Doc ID' s so I will not have difficulty in looking proof for the correct answers. This exams test my capability in what I've learned during the past discussions. I'll study hard for the next skills check. I want to get the same result again. Thank you so much GOD for I will not going to have a re-take. :)

Tuesday, June 1, 2010

Confession


I cannot put in words how I feel about you when I see you walk by. These intense feelings will never go away until I can have you in my arms, and that you realize that there is only one woman for you and it is me. Everyday, I hope that you will come into my life and tell me how you feel because what I feel for you exists only inside my heart. You are the only man that can understand me, and you can only reach it; I give you the key, please unlock what you know can be the love you can only dream of. You are beautiful and I can't help but fall for you deeper every day. I can only hope that the day will arrive when you look deep into my eyes and you tell me what I have been waiting to hear: that you love me the same way I'm thinking of you always.