Ilang weeks or months din akong hindi nag-update ng blog. I tried naman kaso after kong simulan hindi ko na matuloy, I guess it goes with my mood or may pinagdadaanan lang ako that time. Been a tough week. Work problems, usapang puso and pati sa family. Sabi nga ni Ramon Bautista, lahat tayo may "main world" at pag nagunaw ang isa dun, damay lahat. Yun ang na-feel ko this past few weeks. Pero hindi na sya katulad ng last time na kahit pagngiti hindi ko magawa. Medyo stressed out lang naman at kailangang mag-isip. Today, I wanna feel so relax. So I watched Kim Chiu and Xian's movie entitled. "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?". Ang weird ng title noh? Akala mo ganun lang kababaw yung story kung magbe-base ka lang sa title pero once mapanuod mo na, super dami mong matututuhan sa lahat ng aspects ng love. Realizations, yan ang naidulot sa akin ng movie. Matinding realization. Sa movie na ito malaki ang naging transformation ni Sandy (character ni Kim Chiu). Para sa akin hindi naman sya pangit dito, hindi lang sya marunong mag-ayos. Bukod sa medyo wasak na itsura nya, wasak pa ang puso nya. Kawawa di ba? Pero syempre sa huli, natuto sya at naging strong ang puso nya. Si Alex naman (character ni Xian), wasak din ang puso pero natuto pang mag-paasa. Garbe di ba? Yun lang sa huli, naging baligtad ang lahat. Kasi makakahanap talaga tayo ng makakatapat sa lahat ng bagay na ginagawa natin lalo na pag mali. Ang daming lines dito na sapul ako. Sobra. Isang sa mga lines na gusto ko, "Kayong mga lalaki, masaya na ba kayo na paasa, papogi, pa-yummy, syempre ako babae, pa-victim." Nakaka-relate ako dito kasi I experienced this already. Syempre tao lang minsan hindi mo maiiwasan ma-fall sa isang tao. Pero dumadating yung point na alam na nya na may gusto ka pero paasa pa sya. Ba't hindi nalang sya magbigay ng sign kung ayaw ka nya para tapos ang usapan. Minsan kasi pag narinig mo sa isang tao na ayaw ka nya, mas okay na yun kesa naman tanggap lang sya ng tanggap sa pinapakita mo. Hindi mo alam kung susuklian ka ba or hindi. Nakakapraning kaya. Lalo na pag gwapo, syempre mas malaki ang percentage na pa-dedma lang sila. Sana wag naman insensitive. Yun. Minsan kasi pag alam nyong gusto kayo ng girl mas inaabuso nyo. At kaming mga babae, tanga-tangahan din, eh wala naman kaming magagawa kasi gusto namin kayo. Hai. Another line na gusto ko, ang "4R: ng pag-ibig. Akala ko nung una yung "reverse bittering" will be effective sa part ko. Hindi pala. Weak pa kai ang puso ko. Ang "reverse bittering" kasi is yung iisip ka ng mga pangit na bagay na ikakainis at ikawawala ng feelings mo sa taong yun. In my case, kahit isipin ko yun, the next babalik na naman ako sa normal. I hate it when I feel that. So frustrating. Kaya naman siguro yung isang "R" ang effective sa akin. Yung "rebound". Sabi nga sa movie, medyo risky ito pero effective din at the same time. Kaso ang tanung pano ko gagawin ito? Syempre pag nag-rebound ka, mada-divert yung feelings mo sa iba para makalimot. Ang tanong ready na ba ako? Pwede ko ding i-try wala naman kasing mawawala. Sobrang love ko ang movie na ito kasi relate na relate talaga ako sa bawat eksena. Lahat ng napanuod ko dito, totoo. Lahat ng lines dito, totoo din. Bonus na syempre na si Xian ang gumanap kasi super crush ko din sya. The story is so captivating. Naku twice ko na pala ito pinanuod. Today at three weeks ago kasama yung friend ko and kahit kakatapos ko lang sya panuorin now, hindi nagbago ang impression ko sa movie. Very romantic and super kilig. :)