Wednesday, September 22, 2010

Biglang Nauntog.

Last Sunday lang I had this realization about Chuck. Ewan ko pero that time bigla nalang akong nagising at parang lahat nag-flashback. To my conclusion, sa isang naiglap na-realize ko na dapat tama na ang sobrang effort ko for Chuck kasi nasasayang lang ang oras ko. Tapos parang hindi man lang nya na-appreciate yun. Basta hindi ko maipaliwanag na sumagi nalang sa isip ko na parang ayoko na sa kanya at parang nawalan na ko ng gana din. Ganun kasi talaga ako. Dumadating yung punto na napapagod ako sa isang tao lalo pa't alam ko sa sarili ko na ang dami ko ng ginawa pero wala pa din. May hangganan din ang lahat at tingin ko eto na yun para kay Chuck. Hindi na ko takot na bitawan kung anu pa man ang nararamdaman ko sa kanya. Dati big deal yun sa akin pero ngayon parang ayos lang. Hindi na sya ganun kawalan. Nauntog na talaga ko sa katotohanan na wala talagang patutunguhan. I need to choose the right person na pag-uukulan ako ng pansin. Yung aalagaan ako. Kasi madaming beses kong sinubukan pero parang wala pa din talaga. And I believe this is the perfect time for me to made this decision. Before it was really hard pero ngayon mas okay na sa pakiramdam. Ako pa naman yung tipo ng tao na pag ginive-up ko ang isang tao mahirap ko na syang balikan kahit mag-effort pa ang taong yun pabalik. Alam ko tama 'tong ginawa ko.

Friday, September 17, 2010

Asar.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit lately sobrang naiinis at naasar ako sa taong ito. After the incident last week, I can't help but to get really "asar" sa kanya. Ang weird ng pakiramdam kasi kasi pag nakikita ko sya I can't contorl my temper. Alam kong wala naman syang ginagawang masama pero yung presence nya really irritates me. Sobra. Nakakainis talaga. The way he stares at me and yung content ng mga messages na pinapadala nya sa akin parang iba. Bakit kaya? Dahil ba feeling close na sya masyado sa akin or he's just taking advantage of the fact na matagal na kami magkakilala? Dahil tuloy sa kanya nagkakaroon ako ng attitude problem. Hay naku. Yung mga texts at tawag nya hindi ko sinasagot kasi ayoko ko makipag-usap sa kanya. Ang "mean" ko di ba? Hindi ko lang mapigilan talaga yung emotions ko. Magkakasama pa naman kami sa isang event one of this days. Parang ayoko na nga kaso sayang din kasi yung extra income na makukuha ko dun. Siguro iwasan ko nalang sya talaga para mas okay and I'll try be busy nalang. Bahala na nga.

Monday, September 6, 2010

Achooo!:

Grabe naman ang sipon ko ngayong araw na toh parang ayaw ng matapos. Pulang-pula na ilong ko dahil super irritated. Ang init kasi o sadyang uso lang talaga toh. Argghhh! Walang pasok today so I have more time to rest and sleep kaso parang malabo kasi ang dami kong scheduled na lakad today. Kailangan ko pa bumalik sa office para tumulong sa bay decoration namin. At wala pa kong pirate costume para bukas. Hai..Achoo! Naka-ilang tissue na ko. :(